MANILA, Philippines — Malaki ang naging papel ni import Justin Brownlee sa panalo ng Barangay Ginebra laban sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven championship showdown.
Naitarak ng Gin Kings ang 106-94 panalo kontra sa Tropang Giga para maitabla ang serye sa 2-2.
Sa naturang panalo ay nagpasabog agad si Brownlee ng 15 points sa first quarter na siyang naging tungtungan ng Gin Kings para makuha ang momentum.
“Justin’s always usually a very good starter, especially in big games. He knows how important he is to set the tempo and give confidence for his teammates,” ani Ginebra coach Tim Cone.
Beterano na si Brownlee kaya’t alam nito ang kaniyang gagawin sa oras na kailanganin ito ng kanilang tropa.
“He knows when we get the lead, it gives them the confidence, and the last few games he hasn’t had a good start. I know it’s bothering him, but we ran some sets for him outside the triangle early to try to to get, him a little bit,” dagdag ni Cone.
Para kay Cone, matalinong maglaro si Brownlee dahil gumagawa ito ng paraan kung paano makakatulong sa team sa iba’t ibang aspeto.
Nakalikom si Brownlee ng kabuuang 34 points, 6 rebounds at 4 assists.
Brownlee laging maaasahan ng Kings
Chris Co