Ginebra, TNT tabla sa 2-2

Tim Cone.
STAR / File

MANILA, Philippines —Umahon ang Barangay Ginebra mula sa 0-2 butas para itabla sa 2-2 ang kanilang championship series ng nagdedepensang TNT Tropang Giga. Muling tinalo ng Gin Kings ang Tropang Giga, 106-92, sa Game Four ng Season 49 PBA Governors’ Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pag-aagawan ng mag­karibal na koponan ang krusyal na 3-2 lead sa kanilang best-of-seven titular showdown sa Game Five sa Miyerkules sa Big Dome. Nagtuwang sina import Justin Brownlee, Stephen Holt at Maverick Ahanmisi sa fourth quarter para itabla ang koponan ni coach Tim Cone. Ang mahalagang four-point shot ni Ahanmisi kasunod ang three-pointer ni Holt sa huling 1:28 minuto ng fourth quarter ang nagbigay sa Ginebra ng 14-point lead, 104-90. Nagmula ito sa dalawang turnovers ng TNT na naiwanan sa halftime, 42-54, bago nakalapit sa 64-69 sa 4:41 minuto ng third period sa likod ni import Rondae Hollis-Jefferson. Ang slam dunk ni Brownlee sa nalalabing 1:01 minuto ng final canto ang nagbigay sa Gin Kings ng 106-92 bentahe para sel­yuhan ang kanilang panalo. Samantala, hinirang si eight-time PBA Most V­aluable Player winner June Mar Fajardo ng San Miguel bilang Best Player of the Conference. Nakamit ni Hollis-Jefferson ang kanyang ikalawang Best Import award matapos noong 2023 Go­vernors’ Cup kung saan tinalo ng Tropang Giga ang Gin Kings, 4-2, sa title series. Tumanggap sina Fajardo at Hollis-Jefferson ng tig-P50,000 bonus mula sa dalawang sponsors. (

Show comments