^

PSN Palaro

FEU, La Salle swak sa semis

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
FEU, La Salle swak sa semis
Hinatawan ni Chenie Tagaod ng FEU sina Mary Borromeo at Rhea Densing ng Saint Benilde.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Pasok sa semifinals ang Far Eastern University matapos kaldagin ang College of Saint Benilde, 21-25, 25-20, 25-17, 25-17, sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate (SSL)  Pre-season Championship quarterfinals na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

May tangan na twice-to-beat advantage, kinaila­ngan ng Lady Tamaraws ng apat na sets bago patalsikin ang Lady Blazers kung saan ay kinapitan nila sa opensa sina veterans Chenie Tagaod, Alyzza Devosora at Gerzel Petallo.

Sinamantala ng FEU ang 30 errors ng Lady Bla­zers’ para ikahon ang pa­ngalawang sunod na semis appearance matapos ang third place finish noong nakaraang taon sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Umiskor sina Devosora at Tagaod ng tig-15 points, parehong mga gunners na pumalo ng tig-14 attacks para sa Lady Tamaraws, ang runner-up sa 2024 National Invitationals.

Samantala, dumaan sa butas ng karayom ang De La Salle University bago kinalos ang Ateneo de Manila University 25-18, 25-20, 20-25, 20-25, 17-15 para sikwatin ang semifinal ticket.

Ipinakita ng Lady Spi­kers ang tikas nila sa dikdikang labanan sa pag-akay nina Angel Canino, Shevana Laput at Amie Provido.

Tumikada si Canino ng 17 points, galing ang 15 sa kills.

SSL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with