Edu, Sotto lalaro sa FIBA ACQ

AJ Edu.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Isang solidong team ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa second window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumpirmado na ang pagdating nina bigmen AJ Edu at Kai Sotto para palakasin ang Gilas squad na sasabak kontra sa New Zealand at Hong Kong.

Ito ang kinumpirma ni Gilas  team manager R­ichard del Rosario kung saan sinabi nitong nasa magandang kundisyon na si Edu na kasalukuyang naglalaro para sa Nagasaki Velca sa Japan B.League.

Malaki ang maitutulong ni Edu partikular na sa laban ng Gilas kontra sa New Zealand na may matangkad na lineup.

“He’s healthy. Right now, he’s healthy and doing very well in the B.League. He’s going to be a big addition especially facing big teams like New Zealand,” ani Del Rosario.

Matatandaang hindi nakapaglaro si Edu sa first window noong Pebrero dahil nagpapagaling pa ito sa kanyang injury.

Hindi rin nasilayan sa aksyon si Edu sa laban ng Gilas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia noong Hulyo.

Sa kasalukuyan, may a­verages si Edu na 7.1 points, 6.3 rebounds at 1.7 blocks sa paglalaro nito para sa Nagasaki.

Show comments