Mitchell iniligtas ang Cavs sa Bucks

MILWAUKEE - Kumamada si Donovan Mitchell ng 30 points kasama ang game-winning jumper para sa 114-113 pagtakas ng Cleveland Cavaliers sa Bucks.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Cleveland (7-0) para pantayan ang kanilang best start sa franchise history sapul noong 1976-77 season.

Bagsak naman ang Milwaukee (1-5) sa kanilang pang-limang dikit na kamalasan matapos manalo sa season opener.

Sinayang ng Bucks ang magandang laro ni Damian Lillard na tumapos na may 41 points tampok ang 10 three-point shots.

Matapos isalpak ni Lillard ang isang step-back jumper sa huling 9.8 segundo sa fourth quarter ay ipinasok naman ni Mitchell ang game-winning triple sa natitirang 0.1 segundo para ipanalo ang Cavaliers.

Sa Charlotte, bumira si Jayson Tatum ng 29 points at may 22 markers si Payton Pritchard sa 113-103 panalo ng nagdedepensang Boston Celtics (6-1) sa Hornets (2-4).

Sa Phoenix, tumipa si Devin Booker ng 28 points, 9 rebounds at 9 assists para pamunuan ang Suns (5-1) sa 103-97 pagsunog sa Portland Trail Blazers (2-3).

Sa Houston, umiskor si Buddy Hield ng 27 points at nilusutan ng Golden State Warriors (5-1) ang Rockets (3-3) sa overtime, 127-121.

Sa Mexico, naglista si Bam Adebayo ng 32 points at pinabagsak ng Miami Heat ang Washington Wi­zards, 118-98, sa14th NBA regular-season game dito sa Mexico.

Show comments