Karl Eldrew Yulo wagi ng ginto sa Bangkok

Karl Eldrew Yulo
Photo from Munehiro Kugimiya's Facebook

MANILA, Philippines — Humakot ang national juniors gymnastics team ng anim na gintong medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Nanguna sa kampan­ya ng Team Philippines si Karl Eldrew Yulo — ang nakababatang kapatid ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo — matapos sumiguro ng gintong medalya sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG) Junior Individual All-Around Event.

Bahagi rin si Yulo ng national juniors team na nakapilak sa team all-around event.

Susubukan pa ni Yulo na humirit ng gintong medalya sa apparatus — parallel bars, vault, floor exercise at still rings.

Maningning din si Jacob Alvarez na humataw ng limang ginto at dalawang pilak na medalya sa pre-junior division.

Nakasungkit si Alvarez ng ginto sa individual all-around, vault, floor exercise, horizontal bars at still rings.

Nagkasya naman ito sa pilak sa pommel horse at parallel bars.

Si Yulo ay kasaluku­yang sinasanay ni Japa­nese coach Munehiro Ku­gimiya na siyang humubog sa kuya nitong si Caloy upang maging isang world-class gymnast.

Show comments