Biglang nabuhay ang Ginebra sa PBA Governors’ Cup best-of-seven finals kontra TNT.
Kinuha ng crowd favorites ang Game 3, 85-73, nung Friday. All Saints Day pa or Undas or Araw ng mga Patay.
Nabuhayan ng loob ang Ginebra fans.
Talagang trinabaho. Pati si LA Tenorio, ang 40-anyos na Ironman, hinugot ni coach Tim Cone bilang starter.
At nag-deliver si idol. Kumana ng nine points at four steals. Siya ang nag-set ng tempo ng laro.
Baka nagulat si TNT coach Chot Reyes na nag-start si Tenorio. Well, pati ako nagulat.
Naging 2-1 ang series lead ng TNT, ang defending champion. Mamayang gabi ang bakbakan.
Game 4 sa Araneta Coliseum at kung manalo ulit ang Ginebra, back to square one ang serye at magiging best-of-three.
Importante ‘yung panalo ng Ginebra dahil kung na 3-0 sila, baka malaglag na ang tuka ng buong barangay.
Minsan pa lang sa PBA history may nakabangon sa 3-0 deficit at ‘yan ang SMB kontra Alaska sa 2016 Philippine Cup.
Baka nga sa mundo ng professional basketball, one and only ‘yan. Kahit sa NBA, wala pang nakabangon sa 3-0.
Kaya big win talaga ang Game 3.
Happy Undas!