Warriors lunod sa Clippers

Stephen Curry.
MADDIE MEYER / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

SAN FRANCISCO , Philippines —  Nagkaroon si Stephen Curry ng lerft ankle injury sa gitna ng fourth quarter at kinuha ng Los Angeles Clippers ang 112-104 pa­nalo sa Golden State Warriors.

Humakot si center Ivica Zubac ng 23 points at 18 rebounds para banderahan ang Clippers na patuloy na naglalaro na wala si injured star forward Kawhi Leonard (right knee injury).

May 23 markers din si James Harden bukod sa 11 assists.

Binanderahan ni Andrew Wiggins ang Warriors sa kanyang 29 points kasama ang isang three-pointer sa huling 3:47 minuto ng fourth period na naglapit sa kanila sa one-point deficit.

Tumapos si Curry na may 18 markers at 6 assists at tuluyan nang umu­po sa bench sa 7:55 minuto ng laro dahil sa kanyang left ankle injury.

Sa Brooklyn, bumanat si Cam Thomas ng 32 points at may 29 markers si Dennis Schroder sa 115-102 panalo ng Nets sa Mil­waukee Bucks.

Sa Philadelphia, humugot si Tyrese Maxey ng 10 sa kanyang 45 points sa overtime para takasan ng 76ers ang Indiana Pacers, 118-114.

Sa Portland, umiskor si Jerami Grant ng 28 points sa 125-103 paggupo ng Trail Bla­zers sa New Orleans Pe­licans.

Show comments