Mapua lalapit sa Final 4 spot
MANILA, Philippines — Ang pagbulsa sa playoff para sa Final Four berth ang pakay ng Mapua University sa pagharap sa Lyceum of the Philippines University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.
Magsasagupa ang Cardinals at Pirates ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang laban ng nagdedepensang San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Hawak ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 11-2 baraha sa itaas ng San Beda (10-3), San Beda (8-5), Letran (7-7), Lyceum (6-7), Emilio Aguinaldo College (6-7), Perpetual Help (6-8), Arellano (5-9), Jose Rizal (4-9) at San Sebastia (4-10).
Nauna nang nakakuha ang Blazers ng Final Four playoff spot.
Sumasakay ang Cardinals sa isang four-game winning streak, habang bagsak sa dalawang sunod na kamalasan ang Pirates.
Bukod kay reigning MVP Clint Escamis, aasahan din ng Mapua si Chris Hubilla na naglista ng mga averages na 17.33 points, 7.33 rebounds at 4.33 assists.
“Ginagawa lang namin ‘yung best namin. Sabi ng coaches namin, maniwala lang kami sa bawat isa, maniwala kami na mananalo kami.” ani Hubilla.
- Latest