^

PSN Palaro

Davis, Lakers pinalubog ang Suns

Pilipino Star Ngayon
Davis, Lakers pinalubog ang Suns
LOS ANGELES, CALIFORNIA - OCTOBER 22: Anthony Davis #3 and LeBron James #23 of the Los Angeles Lakers during a 110-103 Lakers win over the Minnesota Timberwolves in the season home opener at Crypto.com Arena on October 22, 2024 in Los Angeles, California.
Harry How / Getty Images / AFP.

LOS ANGELES, Philippines — Kumamada si Anthony Davis ng 35 points para banderahan ang Lakers sa pagbangon sa second half patungo sa 123-116 pagpapalubog sa Phoenix Suns.

Nag-ambag si Austin Reaves ng 26 points, 8 assists at 3 steals, habang may 21 markers si LeBron James para sa 2-0 start ng Los Angeles sa season.

Pinamunuan ni Kevin Durant ang Phoenix sa kanyang 30 points kasunod ang 23 markers ni Devin Booker.

Bumalikwas ang La­kers mula sa isang 22-point deficit sa second period mula sa iniskor na 35 points sa third period tampok ang tig-11 points nina Davis at James kumpara sa 24 markers ng Suns para ilista ang 12-point lead sa fourth quarter.

Sa Atlanta, bumira si Trae Young ng 38 points at nalampasan ng Hawks ang 34 points at career-best na siyam na triples ni LaMelo Ball para sa 125-120 pananaig ng Hawks sa Charlotte Hornets.

Sa Salt Lake City, kumamada si Buddy Hield ng 27 points at may 20 mar­kers si Steph Curry para sa 127-86 pagbugbog ng Golden State Warriors sa Utah Jazz.

Sa Cleveland, umiskor sina Donovan Mitchell at Dean Wade ng tig-19 points para tulungan ang Cavaliers sa pagtumbok sa 113-101 panalo sa Detroit Pistons.

SUNS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with