Dear Kristine...

Rain, rain go away.

Maraming nasalanta ang bagyong Kristine. Mara­ming namatay at maraming ari-arian ang nawasak.

Paumanhin sa mga apektado, pero pati sports events dehins pinatawad.

Na-cancel ang UAAP at NCAA basketball games. Pati volleyball at football. May golf tournament ang ICTSI na imbes na four rounds, na-declare ang champion in two rounds.

Bumuti na ng kaunti ang panahon pero ang balita eh may parating na bagong bagyo  at may posibilidad na mag U-turn si Kristine at bumalik sa Pinas.

‘Wag naman po!

For the meantime, habang sumusulyap ang araw, Game 1 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven finals mamaya sa pagitan ng defending champion TNT at Ginebra.

Sa Ynares Center sa Antipolo ang Game 1 at kung aabot sa Game 7, doon din ulit.

Dahil TNT ang champion, kumbaga sa boxing, ito ang huling ipapakilala sa taas ng ring. Una ang challenger.

Sa Ginebra fans, ito ang gusto nila marinig sa ending:

“And NEW!”

Show comments