^

PSN Palaro

TNT-GSM Finale suportado nina Chua, Vargas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT-GSM Finale suportado nina Chua, Vargas
Sina (mula kaliwa) PBA Board Chairman Ricky Vargas ng TNT, PBA Commissioner Willie Marcial at vice chairman Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra sa PBA Finals presscon.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Ang dalawang pinakamahusay na head coaches at imports sa PBA ang mag­tutuos sa Season 49 Governors’ Cup best-of-seven championship series.

Kaya naman walang itulak-kabigin sina PBA Board chairman Ricky Vargas ng nagdedepensang TNT Tropang Giga at vice chairman Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra.

“It’s the defending champion (TNT) versus the darling of the crowd (Ginebra). It’s also a confe­rence where Ginebra and TNT will finally meet once again after a long period of time in the finals so this is going to be an exciting finals,” ani Vargas.

Nakatakda ang Game One bukas sa Ynares Center sa Antipolo City kung saan ang mga mabebentang tiket ay ibibigay ng PBA sa mga biktima ng bagyong ‘Kristine’.

Magtutuos sa PBA Finals sina Ginebra coach Tim Cone at TNT mentor Chot Reyes sa unang pagkakataon matapos ang 12 taon.

Nasa kanilang ika-31 finals appearance, puntirya ng Ginebra ang pang-16 korona, habang target ng TNT ang ika-11 titulo sa pang-23 finals stint nila.

“It’s about two great coaches, maglalaban, mag­babasahan ng depensa, adjustments, e­verything,” sabi ni Chua sa 66-anyos na si Cone at sa 61-anyos na si Reyes.

“They know each other. Iyon ang maganda diyan. They know their style so magandang palaisipan. Parehong may national players...Sa Sunday matutuwa sigiurado si chairman - maglalaro sila na mara­ming fans kasi Ginebra kalaban eh,” dagdag nito.

Pinatalsik ng TNT ang Rain or Shine, 4-1, habang sinibak ng Ginebra ang San Miguel, 4-2, sa kani-kanilang semifinals series.

Bukod kina Cone at Reyes ay magtutuos din sina imports Justin Brownlee ng Gin Kings at Rondae Hollis-Jefferson ng Tropang Giga.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with