Davison muling hahataw sa PLDT sa AFC

MANILA, Philippines — Matapos hindi makalaro sa nakaraang 2024 PVL Re­inforced Conference ay magbabalik si Savi Davison sa pagsalang ng PLDT Home Fibr sa All-Filipino Conference.

Matagumpay ang na­ging operasyon sa kaliwang tuhod ng Fil-Cana­dian spiker.

Kaya handa na siyang muling banderahan ang High Speed Hitters sa AFC na nakatakdang buksan sa susunod na buwan.

Dahil sa pagkawala ni Da­vison ay bigo ang PLDT na maka-podium finish sa Reinforced Conference.

Samantala, nagpaalam na sa High Speed Hitters si veteran Rhea Dimacula­ngan.

 Nagwagi ng apat na titulo para sa Petron Blaze Spikers sa nabuwag na Philippine Superliga (PSL), inaasahang tututukan ng 32-anyos na si Dimacul­angan ang pagbuo ng sari­ling pa­milya matapos ikasal no­ong Hunyo.

Bukod naman kay Davison ay mag­babalik din sa tropa ni coach Rald Ri­cafort si veteran middle blocker Dell Palomata na mi­yembro ng Alas Pilipinas.

Sa nakaraang season-ending Invitational Confe­rence ay pinayagan na ang mga national team players na magbalik sa kanilang mga PVL clubs.

Kasama na rito si Je­ma Ga­lanza ng nagreynang Creamline.

Show comments