NCAA games kinansela ulit dahil kay ‘Kristine’

MANILA, Philippines — Muling kinansela ng NCAA Management Committee (ManCom) ang dalawang laro sana ngayong ha­pon sa Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong ‘Kristine’ sa Metro Manila simula noong Miyerkules.

Makakatapat sana ng Arellano University ang Ma­pua University sa alas-12 ng tanghali.

Sa ikalawang laro sa alas-2:30 ng hapon ay mag­haharap dapat ang nag­dedepensang San Be­da University at kulelat na San Sebastian College-Re­coletos.

Nauna nang kinansela ng NCAA ManCom ang dalawang laro noong Mi­yer­­kules dahil sa pagraga­sa ng bagyong ‘Kristine’.

Patuloy ang pagsosolo ng St. Benilde sa liderato ta­ngan ang 10-2 record ka­­sunod ang Mapua (10-3), San Beda (8-5), Letran College (7-6), Emilio Agui­naldo College (6-6), Ly­ceum of the Philippines University (6-6), Arellano (5-8), Univer­sity of Perpetual Help System DALTA (5-8), Jose Rizal University (3-9) at San Sebastian (3-10).

Maglalabas ang NCAA ManCom ng bagong sche­dule ng mga apektadong mga laro sa susunod na araw sa pag-alis sa bansa ng bagyong ‘Kristine’.

 

Show comments