^

PSN Palaro

Bacoor, Biñan seselyuhan ang MPVA Final 4 cast

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng Bacoor at Biñan Tatak Gel na makumpleto ang Final Four ng 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA).

Lalabanan ng Strikers (9-2) ang Final Four-bound Quezon (12-1) ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagharap ng Volley Angels (9-5) sa AM Caloocan Air Force Spikers (5-6) sa alas-4 ng hapon sa Alonte Sports Arena sa Laguna.

Ang Quezon at Rizal St. Gerrard Charity Foundation (10-4) ang nakauna sa ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four, habang nasa pang-limang puwesto ang San Juan (6-7) sa two-round, 16-game prelims.

May tsansa ang Bacoor at Biñan na makuha ang natitirang dalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa MPVA na itinatag ni dating Senator at MPBL chairman Manny Pacquiao.

Bukod sa home court advantage, sasandigan din ng Volley Angels ang sinasakyang three-game winning streak sa muling pagsagupa sa Air Force Spikers na tinalo nila sa first round.

Kasama rito ang back-to-back wins ng Biñan kontra sa Valenzuela at Negros noong nakaraang linggo.

Naglista rin ang Bacoor ng tatlong dikit na panalo sa pagharap sa Quezon na target ang No. 1 seed sa MPVA na suportado ng Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mikasa at Gerflor kasama ang MPTV at Outcomm bilang broadcast partners.

Maglalaban sa isang knockout game ang dalawang koponan para sa bronze medal, habang ang finals ay isang best-of-three series sa ilalim ng home-and-away format ng MPVA na inorganisa ng Volleyball Masters of the Philippines.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with