^

PSN Palaro

Mikee & Milka

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Like father, like daughter.

‘Yan si Mikee Romero, ang Party-List congressman ng 1PACMAN (Patriotic Coalition of Marginalized Nationals) and team owner ng NorthPort sa PBA, at ang kanyang magandang anak na si Milka.

Tinatapos na lang ni Cong. Mikee ang third term niya and in his own words, “Graduate na ako.”

Bibitiw na siya sa Kongreso, kung saan naging Deputy House Speaker siya, at muling ibabaling ang focus sa mga negosyo at sports.

Dito naman papasok si Milka, na gusto ipagpatuloy ang trabaho ng kanyang ama sa Kongreso. Same Party-List – 1PACMAN na ang layunin ay tumulong sa mga mahihirap at sa sports.

“Ipagpatuloy lang niya ang sinimulan ko. Tumulong siya sa tao. Tulungan din niya ang mga athletes,” sabi ng congressman na isang batikang polo player.

Sabi nila, sports and politics don’t mix. Pero kung hawak mo ang tamang formula, sports and politics can work.

Mahilig din sa sports si Milka na isang model at business owner. Naglalaro ng futsal at ngayon ay co-owner ng Capital1 Solar Energy team sa Philippine Volleyball League.

 Katulong ni Milka ang kanyang kapatid na si Mandy na patakbuhin ang volleyball team. Lumaki silang  pinapanood ang kanilang ama magpatak­bo ng teams sa PBL at PBA.

Kaya dehins sila strangers sa larangan na ito.

At hindi din kataka-taka na parehong landas ni father dear ang tinatahak nila – especially si Milka.

Good luck!

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with