Lady Blazers pasok sa SSL quarterfinals

Jerry Yee.
Philstar.com/Luisa Morales

MANILA, Philippines —  Humakbang sa quar­ter­final round ang College of St. Benilde matapos wa­­lisin ang San Sebastian College-Recoletos, 25-19, 25-18, 25-20, sa 2024 Sha­key’s Super League Colle­giate Pre-season Cham­pion­ship kahapon sa Rizal Me­morial Coliseum.

Naibulsa ng Lady Bla­zers ang huling ticket sa Pool D matapos sikwatin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 2-1 win-loss record.

Nagpakitang gilas si Wie­lyn Estoque upang ak­bayan ang St. Benilde sa panalo at samahan ang Far Eastern University na malinis sa tatlong laro sa susunod na phase.

Tumikada si Estoque ng game-high 13 points mula sa 11 kills at isang block at isang service ace para sa reigning ‘three-peat’ NCAA queens.

Bahagyang nakitaan ng bangis ang San Se­bas­tian sa third set sa torneong suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Po­tato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Pero naging matatag ang Lady Blazers sa likod nina Estoque at Clydel Ca­tarig para itakas ang pa­nalo.

Hinangaan ni St. Benilde coach Jerry Yee ang kanyang mga bataan.

“’Iyan naman ang ina­asahan ko sa kanila. Ga­noon naman tayo, tu­tur­uan sila ng tama and com­posure is a part of it. Also, matagal na tayo sa la­bas, sa SSL and other leagues, so nakikita ko na nag­ma-mature naman sila, nag-i-improve and nakikinig naman sila,” ani Yee.

Kumana si Catarig ng siyam na puntos, habang may pito at anim na marka sina Cristy Ondangan at Rhea Densing, ayon sa pag­kakasunod.

Show comments