Kawhi ‘di pa rin makakalaro

Kawhi Leonard.
Chrise Elise / NBAE via Getty Images / AFP

INGLEWOOD, Calif. -- Wala pang katiyakan kung kailan makakalaro si Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard.

Ito ay dahil sa pamama­ga ng kanang tuhod ng 33-anyos na si Leonard, ayon kay coach Ty Lue.

“Like we said from day one, it is going take some time. He’s going to progress, he’s doing all the right things, he’s working hard and he’s looking good,” wika ni Lue.

Hindi naglaro ang two-time NBA Finals MVP sa lahat ng preseason games ng Clippers.

Unang makakalaban ng Clippers ang Sacramen­to Kings sa kanilang season-opener.

Magsisimula ang NBA season sa Oktubre 22.

Naglaro si Leonard sa 52 regular-season games noong 2022-23.

Matapos namang magkaroon ng torn right menis­cus sa 2023 first-round playoff series kontra sa Phoenix Suns ay sumabak si Leonard sa 68 regular-season games sa nakaraang season.

Show comments