^

PSN Palaro

Red Lions kinumpleto ang sweep sa Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Red Lions kinumpleto ang sweep sa Altas
Sumipat ng three-point shot si San Beda Red Lions star Yukien Andrada laban kay Angelo Gelsano ng Per- petual Altas.
NCAA ph

MANILA, Philippines — Kinumpleto ng nagde­de­pensang San Beda Uni­­versity ang elimination sweep sa University of Perpetual Help System DALTA matapos ilusot ang 57-53 pa­nalo sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa Filoil EcoOil Center sa San Juan City.

Nagpakawala si Yukien Andrada ng 21 points tampok ang limang three-point shots para itaas ang baraha ng Red Lions sa 8-4.

Nagdagdag si center Bismarck Lina ng siyam na puntos at may walong mar­ka si Jomel Puno.

“It’s our defense, especially in the second quarter. I think we limited them to seven points and that’s what fueled ‘yung offense namin,” sabi ni coach Yuri Escueta.

Bagsak ang Altas sa 5-7 na mabigong makapagtala ng back-to-back wins.

Mula sa 29-26 halftime lead ay kumalas ang San Beda sa third period para ilis­ta ang 44-31 abante mula sa triple ni RC Calimag sa 2:41 minuto nito.

Nakalapit ang Perpetual sa 50-54 sa huling 1:28 mi­nuto sa fourth quarter sa likod ng arangkada nina JP Boral at Christian Pagaran.

Ngunit nagsalpak si guard Penny Estacio ng krusyal na tres para mu­ling ilayo ang Red Lions sa 57-50 sa natitirang minuto ng laro.

Pinamunuan ni rookie guard Mark Gojo Cruz ang Altas sa kanyang 14 points, habang may 11 at 10 mar­kers sina Jearico Nuñez at Pagaran, ayon sa pagkaka­sunod.

Sa ikalawang laro, tinalo ng Mapua University ang Letran College, 86-78.

Nilipad ng Cardinals ang kanilang ikatlong sunod na panalo para sa 9-3 kar­tada sa ilalim ng lider na St. Benilde Blazers (9-2).

Lagapak ang Knights sa 6-6 na nasa three-game losing slump ngayon.

Humakot si Chris Hubilla ng halos triple-double sanang 19 points, 10 rebounds at 9 assists para ban­derahan ang Mapua na tinambakan ang Letran sa 77-66 sa gitna ng fourth quarter.

Nagtabla ang dalawang koponan sa halftime, 44-44, bago nakawala ang Car­di­nals sa Knights sa fourth period.

DALTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with