Valdez ready na ulit sa PVL

MANILA, Philippines —  Balik-ensayo na si vol­ley­ball superstar Alyssa Val­dez ng Creamline para paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sa ilang videos na lu­­mabas sa social media ay kasama na ng Cool Smashers sa ensayo si Val­dez.

Bagay na mas lalong nagpa-excite sa mga fans ng Cool Smashers dahil magbabalik na ang tinaguriang ‘phenom’ ng Philippine volleyball.

Aminado si Valdez na sumasagi na sa isipan ni­to ang pagreretiro sa volleyball.

Ilang kumperensiya nang hindi nakapaglaro si Val­dez dahil nagpapaga­ling pa ito sa injury.

Kaya naman bago isi­pin ang retirement ay nais muna ni Valdez na maka­balik sa aksiyon upang tulu­ngan ang Cool Smashers na muling makasungkit ng korona sa PVL.

Wala nang da­­pat pang patunayan si Valdez.

Tinulungan nito ang Ate­neo de Manila University na masungkit dalawang ko­rona sa UAAP at itinanghal itong Season MVP ng tatlong beses noong Sea­son 70, Season 71 at Season 72.

Sa professional league ay may 10 korona na ito kasama ang Cool Sma­shers kabilang ang ‘four-peat’ sa 2023 PVL Second All-Filipino Conference, 2024 PVL All-Filipino Con­ference, 2024 PVL Reinforced Conference at 2024 PVL Invitational Confe­rence.

Show comments