^

PSN Palaro

Huling playoffs berth pipitasin ng CSB sa SSL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibabangga ng College of Saint Benilde si Mary Grace Borromeo para makuha ang panalo kontra San Sebastian College-Recoletos at umusad sa susunod na phase ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-sea­son Championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayong araw.

Tangan ang 1-1 karta, nasa pangalawa ng team standings sa Pool D ang Lady Blazers, nasa tuktok naman ang Far Eastern University na may 3-0 karta.

Ang panalo ng three-time NCAA champion sa San Sebastian ang ticket para makausad sa susunod na round kasama ang Lady Tamaraws.

“Lalaban and lalaro lang kami. Sabi ni coach (Jerry Yee) stick lang sa plano,” ani Borromeo.

Magsisimula ang paluan ng Lady Blazers at ng Lady Stags sa 11:30 ng umaga sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Ginulat ng Saint Benilde ang matikas na Adamson University sa tatlong sets, 25-13, 25-22, 25-19, noong Miyerkules kaya lumakas ang tsansa nilang makahirit ng laro sa susunod na round sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

Sakaling masilat ang CSB, magkakaroon ng triple tie sa 1-2 cards ma­ka­­kasalo nila ang Lady Stags at Lady Falcons at sasam­pa sa susunod na phase ang huli dahil sa mas mataas na tiebreak points.

Samantala, magsasagupa ang Mapua at University of Perpetual Help DALTA sa ala-1 ng hapon habang magkikita ang UP at JRU sa alas-3:30 ng hapon at lalabanan ng Arellano ang NU sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with