Tropang Giga amoy na ang finals berth

Pilit na inilusot ni TNT import Rondae Hollis-Jefferson ang kanyang katawan laban kay Jhonard Clarito ng Rain or Shine sa Game Four.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isang panalo na lamang ang kailangan ng nagdedepensang TNT Tropang Giga para sa PBA Finals.

Inilusot ng Tropang Gi­ga ang 81-79 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa Game Four ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kinuha ng TNT ang 3-1 lead sa kanilang best-of-seven showdown ng Rain or Shine.

Target ng koponan ni coach Chot Reyes ang kanilang ika-23 finals appea­rance para sa hangad na pang-10 korona.

Humakot si import Rondae Hollis-Jefferson ng all-around game na 23 points, 19 rebounds, 5 assists at 5 steals para ibangon ang Tro­pang Giga mula sa ka­biguan sa Elasto Painters sa Game Three.

“It was a completely de­fensive ballgame and we just made a couple more stops than they did,” wika ni Reyes.

Walang nakapagtayo ng double-digit lead sa da­lawang koponan hanggang isalpak ni Rey Nam­ba­tac ang isang three-point shot sa 1:11 minuto ng fourth quarter para sa 79-76 abante ng TNT.

Itinabla ni Leonard Santillan ang Rain or Shine sa na­kumpleto niyang 3-point play sa huling 45.7 segun­do.

Ang slam dunk ni Hollis-Jefferson ang muling nagbigay sa Tropang Giga ng 81-79 bentahe sa nalalabing 37.3 segundo.

Bigo naman ang Elasto Painters na makapuntos sa kanilang posesyon tampok ang supalpal ni Hollis-Jefferson kay Jhonard Clarito.

Show comments