Taekwondo jins sumipa ng 1 silver, 1 bronze

MANILA, Philippines — Sumipa agad ang mga Pinoy jins ng isang pilak at isang tansong medalya sa pagsisimula ng 6th Asian Taekwondo Open Championships sa Tangerang, Indonesia.

Ayon sa post ng Philippine Taekwondo Association (PTA), galing ang pilak kay Nicole McCann, habang ang tanson ay nagmula kay Abigail Valdez sa kani-kanilang weight classes.

Nagkasya sa pilak si McCann matapos matalo kay Megawati Maheswari ng Indonesia sa championship round ng women’s 57-kilogram category.

Para makapasok sa finals, tinalo ni McCann si Nabilah Putri ng Indonesia sa semifinals.

Kabilang din sa mga pinataob ni McCann sina Noor Rahman ng Pakistan sa first round at Firilia Parangi ng Indonesia sa quarterfinals.

Uuwi naman si Valdez tangan ang tansong medalya mula sa pagsabak sa women’s 49 kg category.

Natalo si Valdez sa semifinals laban kay gold medalist Winda Putri ng Indonesia.

Show comments