Overweight but sensational.
‘Yan si John Riel Casimero, ang Pinoy boxer na former three-division world champion. Lumaban siya sa Japan noong Linggo at binugbog si Saul Sanchez ng US.
Tumba ng dalawang beses si Sanchez sa first round. At nang pupugin ulit ni Casimero, tinigil ng referee ang laban with 20 seconds remaining.
Sabi ni Casimero, mabuti tinigil dahil baka kung ano pang masama ang mangyari sa kalaban.
Non-title fight ang unang sampa ni Casimero, 35, sa ring after more than a year. Nag-overweight pa nga siya at lampas sa limit na 122 pounds sa super-bantamweight class.
Pero natuloy ang laban. May tsismis pa na baka i-ban si Casimero sa Japan for six months. Tingnan natin.
Ang importante, sensational knockout at talagang may asim pa si Casimero. Parang si “Boy Bagsik” sa FB.
Kaya ang next question: Handa kaya si Casimero na labanan si Naoya Inoue, ang undefeated Japanese superstar?
Sana matuloy ang laban na matagal na nating inaasam. Basta ayusin lang ni Casimero ang katawan niya, may laban tayo.
Baka naman finally, makahanap na ng katapat si Inoue.
Win or lose, kay Casimero ako.