^

PSN Palaro

ICF World Dragonboat suportado ni Pangulong Marcos

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng Malacañang ang pagdaraos ng prestihiyosong ICF Dragon Boat World Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Naglabas si Pangulong Bongbong Marcos ng Proclamation No. 699 para ideklara ang ikaapat na linggo ng Oktubre bilang “Moving Forward Paddling Week Philippines.”

“The celebration of  Moving Forward Paddling Week Philippines aims to promote the Philippines as premier paddling destination and encourage all communities to adopt as a sport and leisure activity,” ayon sa decree.

“’Paddling forward’ symbolizes unity and strength in navigating the challenges towards achieving progress as a Filipino nation, and embodies personal growth and  development through constantly striving to push limits, overcome setbacks, and demonstrate resilience and dedication in the pursuit of excellence,” dagdag pa ni Marcos.

Inatasan ni Marcos si Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann na makipagtulungan sa mga organi­zers ng World Dragonboat meet upang masigurong magiging matagumpay ito.

Nagpasalamat naman sina Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron at Philippine Canoe Kayak Federation president Leonora “Lenlen” Escollante sa suportang ibinigay ni Marcos.

“Kahit sino pa man ang mga participants natin, kailangan nating pakitunguhan ng maayos, kahit saan mang galing bansa yan, China man yan, Ukraine or Russia. Ito po ay larangan ng palakasan, walang politika, ito ay friendship game lang dito sa Pilipinas,” ani Escollante.

Inimbitahan din nito ang mga Pinoys na manood upang masilayan ang mga world-class paddlers na magbabakbakan sa torneo na magsisilbing qualifying meet para sa 2025 World Games.

Kumpirmado na ang pagdating ng mahigit 2,000 paddlers mula sa 22 bansa na lalahok sa torneo.

PALAWAN

PUERTO PRINCESA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with