MANILA, Philippines — Kakalas sa two-way tie sa top spot ang defending champions De La Salle Univerisity sa pagharap sa University of the East sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Kasalo ng Green Archers sa tuktok ng team standings ang Season 86 runner-up University of the Philippines Fighting Maroons tangan ang magkatulad na 6-1 record kaya ang panalo nila sa Red Warriors ngayong alas-6 ng gabi ang magbibigay sa kanila ng solo lead.
Kakapitan ng La Salle si reigning MVP Kevin Quiambao.
Naniniwala si Quiambao na kaya nilang talunin ang kanilang mga kalaban.
“We are confident that we can beat them all,” sabi ni Quiambao.
Pero tiyak na mahigpit ang magiging labanan sa pagitan ng Green Archers at Red Warriors na mag-isa sa pangatlong puwesto hawak ang 5-2 karta.
No. 1 ang La Salle sa points matapos ilista ang total 529 ponts mula sa average na 75.57 points.
Ang UE ang nangunguna sa free throws sa inilistang 95-of-156 foul shots at may average na 22.29 points kada laro sa team statistical points.
Sa unang laro sa alas-4 ng hapon maghaharap ang Adamson University at Far Eastern University.
Bitbit ng Soaring Falcons ang 3-4 kartada, samantalang may 1-6 baraha ang Tamaraws.