Tangerines ‘di bibitaw sa liderato ng MPVA

MANILA, Philippines — Lalabanan ng Quezon Tangerines ang AM Ca­lo­ocan Air Force at magtu­tu­os ang Baco­or Strikers at ICC Negros La­dy Blue Hawks sa second round ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Season 1 sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Magkikita ang Tange­rines at Air Force Spikers nga­yong alas-4 ng hapon ma­tapos ang bakbakan ng Strikers at Lady Blue Hawks sa alas-2.

Solo ng Quezon, isa sa dalawang expansion squads sa nine-team upstart league na itinatag ni da­ting Senator at MPBL chairman Manny Pacquiao, ang liderato tangan ang 10-1 record at natalo lamang sa fourth-placer na Bi­­­ñan (6-5).

Kaagad nakabangon ang Tangerines at tinalo ang Valenzuela Classy sa pag­tatapos ng first round.

Segunda ang Rizal St. Gerrard Foundation ng Ca­­loocan sa 10-3 marka.

Nauna nang binigo ng Quezon ang Caloocan  sa first round.

Hangad naman ng AM Spikers na mapaganda ang kanilang 5-5 kartada para sa tsansa sa semifinal spot ng MPVA na suporta­do ng Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mi­kasa at Gerflor kasama ang MPTV at Outcomm bilang broadcast partners.

Samantala, pipilitin ng Ba­­coor, may bitbit na 8-2 mar­ka, na makahabol sa Que­zon at Rizal para sa Top Two seeds na magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ in­centives sa semis.

Ang Strikers ang nag­wa­gi sa inaugural MPVA edi­tion.

Show comments