^

PSN Palaro

Biado, Chua tuloy ang pananalasa sa Vietnam

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Biado, Chua tuloy ang pananalasa sa Vietnam
Carlo Biado
STAR/File

MANILA, Philippines — Umusad sa susunod na phase sina Pinoy cue a­rtists Carlo Biado at Johann Chua matapos magtala ng magkahiwalay na pana­lo sa Round 3 ng winners qualification sa Hanoi Open Pool Championship, 2024 na nilalaro sa Hanoi Indoor Games Gymnasium, Vietnam kahapon.

Pinagulong ng two-time WPA World Championship king na si Biado si Salvador Garcia, 9-2 ng Spain habang sinargo ni former World Cup of Pool ruler Chua si Phuong Nam Pham, 9-4 ng Vietnam.

Lumalakas ang tsansa ng 40-anyos na si Biado at Chua sa inaasam na korona sa event na nakalaan ang $200,000 prize fund kung saan ay ibubulsa ng magkakampeon ang $30,000 premyo.

Bago tumuntong sa round 3, isa isang inubos ni Biado sina Chinese Taipei bets Wang Chih-Yung, 9-4 at Sun Yi Hsuan, 9-6 sa rounds 1 at 2, ayon sa pagkakasunod.

Naunang kinabog ni Chua sina Vietnamese pool players Luong Van Nam, 9-5 sa Round 1 at Ta Van Linh, 9-7 sa Round 2.

Nagwagi rin sa Round 3 sina Jerson Cumayas kontra Liu Ri Teng, 9-4 ng Taiwan, Bernie Regalario laban kay Lin Shih Kai, 9-5 ng Chinese Taipei at Albert Manas na pinayuko si Mickey Krause, 9-8 ng Denmark.

Ang ibang Pinoy bets na tumumbok ng malinis na tatlong panalo ay sina many-time Southeast Asian Games gold me­dalist, Lee Vann Corteza, Patric Gonzales at Jefrey Roda.

Samantala, ibubulsa ng second placer ang $15,000, $9,500 ang se­mi­finalists, tatanggap ng $6,000 ang fifth hanggang eighth habang mag-uuwi ng $4,000 ang ninth hanggang 16th.

vuukle comment

CARLO BIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with