NU gustong sumabit sa liderato sa Pool A ng SSL

Tangan ang 1-0 karta, kakanain ng Lady Bulldogs ang Lady Generals sa alas-2 ng hapon para samahan sa unahan ng team stan­dings ang Arellano University Lady Chiefs na may malinis na dalawang panalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pakay ng three-peat-seeking National University na makisalo sa tuktok sa Pool A sa pakikipagrambulan nila sa Emilio Aguinaldo College sa 2024 Shakey’s Super League collegiate pre-season championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayong araw.

Tangan ang 1-0 karta, kakanain ng Lady Bulldogs ang Lady Generals sa alas-2 ng hapon para samahan sa unahan ng team stan­dings ang Arellano University Lady Chiefs na may malinis na dalawang panalo.

Humugot ng lakas ang Lady Bulldogs kina Erin Pangilinan at Vange Alinsug nang pabagsakin ang Ateneo de Manila University sa apat na frames sa huling laro para makopo ang solo second spot.

Pero inaasahang ma­pa­palaban ang Lady Bulldogs dahil uhaw sa pa­nalo ang Lady Generals na nawalis ng Lady Chiefs sa kanilang unang laro noong Setyembre 29 sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Magtatapat naman sa ikalawang laro ang De La Salle University at Letran sa alas-4 ng hapon habang sa alas-6 ng gabi ang bakbakan sa pagitan ng University of Sto. Tomas Golden Tigresses at University of Perpetual Help System DALTA.

Galing sa 12-day rest matapos ang four-set win kontra University of the Phi­lippines Fighting Maroons, liyamado ang Lady Spikers kontra Lady Knights sa kanilang Pool C match.

May kartang 1-0 ang DLSU habang 1-1 ang ba­raha ng Letran sa tourna­ment na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Li­ner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC) at SM Tickets bilang technical partners.

Nalasap ng Lady Knights ang unang kabiguan laban sa Fighting Maroons (1-1) noong Sabado.

Ang mga laro sa SSL ay ume-ere ng live sa Puso Pi­lipinas, SMART Livestream, Solar Sports Channel 70 sa Sky Cable at Channel 59 sa Cable Link.

Show comments