Biado sokpa sa Round 3 ng Hanoi Open

Carlo Biado
MATCHROOMPOOL

MANILA, Philippines — Sokpa si two-time WPA World Championship king Carlo Biado sa Round 3 ng winners qualification sa 2024 Hanoi Open Pool Championship kahapon sa Hanoi Indoor Games Gymnasium sa Vietnam.

Tumumbok si Biado ng dalawang sunod na pa­nalo sa rounds 1 at 2 kon­tra kina Chinese Taipei bets Wang Chih-Yung, 9-4 at Sun Yi Hsuan, 9-6, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na lalabanan ng 40-anyos na si Biado si Sal­vador Garcia ng Spain.

Ang iba pang Pinoy cue artists na nakausad sa winner’s side ay sina World Cup of Pool ruler Johann “Bubwit” Chua, Jerson Cumayos, Michael Feliciano, Jaycee Cordova Garcia, Michael Baoanan, Harry Vergara, James Aranas at Jefrey Roda.

Sariwa pa si Biado sa pagkopo sa titulo ng World Pool-Billiard Association Ho Chi Minh 9-Ball Open sa no­ong Setyembre.

Hinamig ni Biado ang premyong $40,000 (halos P2.2 milyon) pero inamin niya na pagkatapos ng tor­neo ay napagod siya da­hil matitikas na mga nakalaban.

Show comments