Unli

No go and two-import format sa PBA Commissioner’s Cup na nakatakdang magsimula sa Nov. 27.

Semis pa lang ng Governors’ Cup pero natural, dapat na ikasa ang format ng next conference.

Umugong kasi ang possibility na bumalik ang PBA sa two-import format per team. Okay din sana. Parang Michael Hackett-Billy Ray Bates ng Ginebra nung 1980s.

Kung bata-bata ka pa, si Hackett eh minsan umiskor ng 103 points with 45 rebounds in one game para sa Ginebra.

Then nalampasan ni Tony Harris ng Swift ang sco­ring record with 105 points in 1992 sa isang out-of-town game sa Iloilo.

Mabalik tayo sa format. Nag-decide ang PBA na one import lang muna pero unlimited height, meaning kahit si Yao Ming, kung kaya pa, pwede.

May guest team nga pala – ang Hong Kong E­astern. Siguradong added excitement ‘yan. Pero pati sila, one import lang ang allowed.

I’m sure ngayon pa lang, naghahanap ng seven-footers ang PBA teams. Kung hindi naman, mga kalibre ni Dwight Howard, swak sa next conference.

Ewan ko kung kay Justin Brownlee pa din aasa ang Ginebra. Medyo mahirap-hirap kung ang kumakamada sa ibang teams eh 6-10, 6-11 or seven-footer.

Maganda din ‘yan. Land of the giants.

Show comments