MANILA, Philippines — Sinalto kaagad ni Casiey Dongallo at ng University of the East ang unang laro ng University of Perpetual Help System DALTA matapos ang 25-17, 25-20, 25-15 panalo sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
Bumawi si Dongallo matapos ang tahimik na performance sa nakaraang laban nila at tumikada ng 11 points mula sa 10 attacks at isang service ace para tulungan ang UE na ilista ang ikalawang panalo at manatili sa tuktok ng team standings sa Pool B.
Umiskor si Dongallo ng pito sa third frame kasama ang lima sa 8-0 blitz ng Lady Warriors’ 8-0 blitz para umalagwa sa 10, 21-11 sa torneo na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.
Mas maganda ang ipinakita ng UE sa kanilang floor defense kumpara sa naunang four-set win nila laban sa Lyceum.
Kumana si Cyrill Alemaniana ng 11 points para sa panig ng Lady Altas.
Sa ikalawang laro, pinadapa ng Arellano University ang San Beda University, 25-19, 22-25, 20-25, 25-10, 15-6, para sa kanilang 2-0 record sa Pool A.