MANILA, Philippines — Tinakasan ng Arellano University ang College of St Benilde, 73-71, sa pagtatapos ng first round ng NCAA Season 100 kahapon sa Filoil-EcoOil Centre sa San Juan City.
Itinaas ng Chiefs ang kanilang baraha sa 3-6 at inilaglag ang Blazers sa 6-2 katabla sa liderato ang Mapua Cardinals (6-2).
Kumolekta si T-Mac Ongotan ng 16 points, 4 rebounds at 2 assists para banderahan ang Arellano at nagdagdag si Ernjay Geronimo ng 14 markers.
“Wala namang sikreto diyan. Siguro ‘yung ano lang, pusong palaban. Iyon ang ina-apply namin. Siguro ‘yung preparation, ‘yun ang pinakamaganda doon,” ani coach Chico Manabat
Pinamunuan ni Allen Liwag ang St. Benilde sa kanyang 18 points at 17 boards, habang may 15 at 10 markers sina Gab Cometa at Justine Sanchez, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ng Blazers ang 67-66 abante sa huling apat na minuto ng fourth period.
Nagsalpak si King Vinoya ng three-point kasunod ang dalawang free throws ni Ongotan para sa 71-67 bentahe ng Chiefs.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Jose Rizal ang Emilio Aguinaldo College, 75-63.
May 3-5 marka ngayon ang Heavy Bombers at Generals.