^

PSN Palaro

Knights lusot sa Altas via triple overtime

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilusutan ng Letran College ang University of Perpetual Help System DALTA via triple overtime, 82-73, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumolekta si guard Deo Cuajao ng 19 points, 5 rebounds at 3 assists habang bumida si Jimboy Estrada sa third overtime para sa three-game winning streak ng Knights at solohin ang second spot bitbit ang 5-2 record.

Nagwakas ang two-game winning streak ng Altas para sa 4-3 marka.

Si Kevin Santos ang nagdala sa Letran sa first overtime, 52-52, mula sa kanyang putback sa huling 6.4 segundo sa regulation.

Sa unang laban, ginulantang ng Arellano University ang nagdedepensang San Beda University, 72-70.

Umiskor sina JL Capulong at T-Mc Ongotan ng tig-13 points para sa 2-5 baraha ng Chiefs at nag-ambag si Ernjay Geronimo ng 12 markers, 4 rebounds at 3 assists.

Nahulog ang Red Lions sa 3-3 marka.

Bumangon ang Arellano mula sa isang 13-point deficit para agawin ang 72-67 abante mula sa basket ni Capulong sa huling 44 segundo ng fourth period.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with