^

PSN Palaro

The End

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

‘Di na natuto.

Ewan ko lang this time kung ano ang magiging ending ng John Amores show.

Baka wala nang susunod na kabanata.

Ang common sentiment ng tao, tapos na ang bas­ketball career ni Amores na ‘di umano eh namaril matapos ang isang basketball game sa Laguna last Wednesday.

Banned for life ang hirit ng iba.

Wala naman nasaktan sa pamamaril at sumuko sa mga pulis si Amores at ang kanyang kapatid nung Huwebes.

Nakapag-piyansa ang Amores brothers sa halagang P34,000. Panandaliang laya. May arraignment sa korte sa Dec. 4.

Marami siyang sasagutin. May lisensya ba ang baril na dala niya? May permit to carry ba siya?

Wala pang hatol ang team ni Amores sa PBA, ang NorthPort, at ang commissioner’s office.

Pero pwede pa ba bigyan ng chance si Amores na noong 2022 ay nasangkot na sa gulo? Una, sinapak niya ang isang player ng UP at kailangan operahan.

Then, nagwala si Amores sa isang NCAA game ng JRU at St. Benilde. Nilusob niya mag-isa ang Benilde bench at walang humpay na nanapak.

Napagbigyan maglaro sa ABL para sa Zamboanga then na-draft ng NorthPort last year.

Ang promise ni Amores: Dehins na mauulit.

Eto na naman.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with