^

PSN Palaro

Hotshots binawian ang Elasto Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots binawian ang Elasto Painters
Mala-pader na depensa ang ibinigay ni Magnolia forward CalvinAbueva laban kay Rain or Shine import Aaron Fuller.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi pumayag ang Mag­nola na mahulog sa isang 0-2 butas sa serye.

Binalikan ng Hotshots ang Rain or Shine Elasto Painters, 121-69, sa Game Two ng PBA Season 49 Governors’ Cup quarterfi­nals series kahapon sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Bumaril si import Jabari Bird ng 22 points at humakot si Calvin Abueva ng 18 markers at 10 rebounds.

Nagdagdag si Ian Sangalang ng 12 points.

Bumangon ang Mag­no­lia mula sa 105-109 kabiguan sa Game One para itabla sa 1-1 ang ka­nilang best-of-five showdown ng Rain or Shine.

Ang 52-point loss sa Hotshots ang pinakamasaklap sa franchise history ng Elasto Painters matapos ang 43-point defeat, 71-114, sa Barangay Ginebra no­ong Mayo 24, 2009 sa Fiesta Conference.

Matapos isara ang first period ay umarangkada ang Magnolia sa second quarter sa pamumuno nina Sangalang at Mark Barroca.

Ang free throw ni Rafi Rea­vis ang naghulog sa Rain or Shine sa 56-28 sa huling apat na minuto nito.

Tinapos ng Hotshots ang first half tangay ang 66-28 kalamangan bago muling ibinaon ang Elasto Painters sa 73-32 galing sa jumper ni Bird sa pagbubukas ng third canto.

Mula rito ay hindi na na­­karesbak ang Elasto Painters, ang No. 1 team sa Group B.

Samantala, kapwa la­la­pit sa pag-sweep sa ka­ni­lang mga quarterfinals duel ang Barangay Ginebra at San Miguel.

Sasagupain ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa Game Two ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Beermen at Converge FiberXers sa alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Ginebra ng 99-92 panalo sa Me­ral­co, habang tinalo ng San Mi­guel ang Converge, 102-95, sa Game One noong Hu­webes.

“They’ve always been at the top of their game and always given us an A-plus game,” ani Ginebra import Justin Brownlee sa Meralco.

“So, it’s always been tough but it’s been fun against that group of guys over there that’s very com­pe­­titive,” dagdag nito.

ELASTO PAINTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with