^

PSN Palaro

Unification fight plano ni Jerusalem

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Unification fight plano ni Jerusalem
Ang left straight ni Pinoy champion Melvin Jerusalem sa panga ni Mexican Luis Angel Castillo.
Wendell Alinea

MANILA, Philippines — Isang unification championship fight ang su­nod na ilalatag ng kam­po ni Filipino world minimumweight champion Melvin Je­rusalem.

Ito ay matapos talunin ni Jerusalem si Mexican man­datory challen­ger Luis Angel Castillo via unanimous decision kamakalawa ng gabi sa Man­daluyong City College Gymnasium.

Napanatiling suot ng 30-anyos na si Jerusalem (23-3-0, 12 KOs) ang kan­yang World Boxing Council (WBC) minimum­weight belt.

Ito naman ang unang ka­biguan ng 27-anyos na si Castillo (21-1-1, 13 KOs).

Isa si Puerto Rican Os­car Collazo sa mga pu­wedeng hamunin ni Jerusalem para sa isang unification championship fight sa susunod na taon.

Hawak ng 27-anyos na si Collazo (10-0-0, 7 KOs) ang World Boxing Organization (WBO) title.

Nasa listahan din ni Jerusalem ang ka­babayang si Pedro Ta­du­ran (17-4-1, 13 KOs) na suot ang International Boxing Federation (IBF) crown at si Knockout CP Freshmart (25-0-0, 9 KOs) ng Thailand na may-ari ng World Bo­xing Association (WBA) belt.

Sa laban kay Castillo ay ipinakita ni Jerusalem ang kanyang punching po­wer nang pabagsakin ang Me­xican challenger sa unang 25 segundo ng first round.

“Hindi ko minadali ‘yung laban. Matibay eh. Hindi pu­wedeng mag­kum­piyansa,” sabi ni Jerusalem sa taglay na tibay ng panga ni Castillo.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with