Padrigao inilusot ang Uste sa NU

MANILA, Phillipines — Umahon mula sa pitong puntos na pagkakalu­bog ang University of Sto. Tomas para itakas ang 67-64 panalo sa National University sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsanib-puwersa sa opensa sina Forthsky Padrigao, Nic Cabañero at Mo Tounkara sa dulo ng laro upang habulin ng Growling Tigers ang se­ven-point deficit, 53-60, sa Bulldogs sa fourth quarter at makatabla sa 64-64.

At saka naman bumida si Padriago nang isalpak ang two-point shot para sa UST sa natitirang 29 se­­gundo sa orasan.

Sumablay si Jake Fi­gueroa sa panig ng NU at muling umiskor ng free throw si Padrigao para makuha ang panalo.

“This is a total team effort, lahat nagtulungan. Si Forthsky made that last two possession shots, breaks of the game ‘yun,” sabi ni head coach Pido Jaren­cio.

Si Manaytay ang na­ngu­na para sa UST sa kanyang 14 points, habang tumikada si Tounkara ng double-double na 15 mar­kers at 10 rebounds.

Tumapos si Padrigao na may walong puntos.

Show comments