Blow By Blow

Nagbabadya ang anticlimactic ending ng PBA Governors’ Cup elims.

May boksing mamayang gabi sa Mandaluyong. Sa loob ng City College Gym ang laban.

World title fight. Ang WBC minimumweight crown ni Melvin Jerusalem ng Bukidnon ang nakataya kontra kay Luis Castillo ng Mexico.

One of only two world champions natin si Melvin bukod kay Pedro Taduran na hawak naman ang IBF title sa 105 pounds.

Magandang laban dahil sa press conference last Thursday sa Manila Hotel, pareho sila nag-predict ng knockout.

Meaning, and sana naman, wala nang amuyan sa taas ng ring. Bakbakan kung bakbakan.

Then tingnan natin kung sino ang last man standing. Sabi pa ni Castillo (21-0 with 13 knockouts), na lalaban overseas for the first time,  lasapin na ni Melvin (22-3 with 12 knockouts) ang mga huling araw niya bilang world champion.

Humble naman si Melvin. Ang sabi lang, basta na­kahanap siya ng butas, papasukin niya ito.

Ito pala ang kagandahan sa laban. Libre sa fans. Sokpa lang kayo then sit back and relax.

Regalo ito ni Manny Pacquiao sa mga fight fans and at the same time ni Mayor Ben Abalos na nagdiwang ng kanyang 90th birthday kahapon.

Kaya kung wala naman kayong ibang gagawin, sokpa lang sa loob ng gym.

Manood tayo ng boksing.

Show comments