^

PSN Palaro

GM title target ng Philippine Memory Team sa Asian tilt

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang ikaanim na Grandmaster title ang target ng Philippine Memory Sports Team sa kanilang pagsabak sa Asia Open Memory Sports Championship sa Setyembre 27-28 sa Singapore Polytechnic.

Higit sa 30 bansa ang haharapin ng mga Pinoy ‘Trained-Memory’ squad kasama ang powerhouse China at Mongolia, kabilang din ang Japan, Malaysia, Indonesia, Myanmar at host Singapore sa torneong itinataguyod ng Asia Memory Sports Alliance (AMSA) at Global Alliance of Memory Athletics (GAMA).

“We are confident that the Philippine Team will be bringing medals from the competition, but our main target is the GM title for our 14-year-old athlete Charles Andrei (Galamgam) in the junior division,” ani coach at Philippine Mind Sports Association (PMSA) president Anne Bernadette ‘AB’ Bonita kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Rizal Coliseum VIP Room.

“Kung sakali, siya ang ikaanim na GM natin. He’s ready and we felt his eagerness to claim the GM title for the country,” dagdag nito kay Galamgam.

Target ni Galamgam na masundan ang yapak ng utol niyang si Chloe Andrea na nakamit ang GM title noong 2024 nang maging host ang bansa sa torneo.

Kumpara sa chess na kinakailangang makasikwat ng norms para sa GM title, ang mga kalahok sa memory sports ay dadaan sa 10 kompetisyon o pagsusulit na binuo ng Random Words, Names and Faces, Speed Numbers, Marathon Numbers, Random Ima­ges, Speed Cards, Marathon Cards, Dates, Binary Digits at Spoken Numbers.

Bukod kina Charles Andrei at Chloe Andrea, kasama rin sa koponan ang nakababata nilang kapatid na si Chelsea Anne na sasabak sa torneo sa unang pagkakataon.

Kasama rin sa koponan sina Venir P. Manzalay III (11 year-old), Jessica Raine A. Rellora (12 year-old), at Angel Mikhail T. Sanchez (17 year-old).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with