^

PSN Palaro

Fiberxers nagpatibay ng tsansa sa q'finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Fiberxers nagpatibay ng tsansa sa q'finals
Umeskapo si Converge guard Alec Stockton kay Meralco big man Brandon Bates.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinatibay ng Converge ang tsansa sa quarterfinals matapos itumba ang Meralco, 105-97, sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Kumolekta si guard Alec Stockton ng bagong conference-high 27 points bukod sa 11 rebounds, 5 assists at 2 steals para sa 5-4 record ng FiberXers sa Group A tampok ang four-game winning streak.

“I really just wanna give my best for my team to win, qualify for the playoffs and that’s something that we missed last conference,” ani Stockton. “This game was close for us to clinch the playoff spot.”

Humakot si import Jalen Jones, pumalit kay injured Scotty Hopson (hip flexor injury), ng 32 markers at 10 boards sa kanyang PBA debut.

Bigo ang Bolts sa asam na back-to-back wins para sa 6-3 baraha.

Ipinoste ng Converge ang 15-point lead, 73-58, sa 5:40 minuto ng third period matapos kumamada ng 20-5 atake mula sa 51-53 agwat sa halftime.

Nagawa ng Meralco na maagaw ang unahan sa 97-96 sa likod nina import Allen Durham at rookie CJ Cansino sa huling 1:58 minuto ng fourth quarter.

Matapos ito ay ang pagbibida ni Stockton.

Nagsalpak si Stockton ng triple kasunod ang jumper at dalawang free throws para sa 103-97 kalamangan ng FiberXers sa natitirang 36.6 segundo matapos ang mga mintis ni Cansino sa 3-point at four-point line sa posesyon ng Bolts.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with