MANILA, Philippines — Malaki na ang improvement ng volleyball sa Pilipinas base sa pananaw ng ilang foreign coaches na dumating sa bansa kamakailan.
Isa sa mga humanga sa itinaas ng laro ng mga Pinay players si Lurashiki head coach Hideo Suzuki kung saan naglaro ang kanyang bataan sa PVL Invitational Conference.
Ang Kurashiki ang 2023 champion sa naturang kumperensiya. Subalit sa taong ito, nagkasya lamang ang Kurashiki sa ikatlong puwesto habang nagkampeon ang Creamline at pumangalawa naman ang Cignal HD.
Nakita ni Suzuki na malaki na ang ipinagbago ng laro sa Pilipinas.
“I was shocked because the Filipino teams really leveled up this time and they also have a lot of fans that may have affected our performance in some ways,” ani Suzuki.
Tinukoy nito ang mabilis na laro ng mga Pinay players na maihahalintulad sa Japanese style — ang fast plays.
Ganito rin ang pananaw ni Kurashiki player Saki Tanabe.
“Comparing our experience in the PVL this year to last year, the Filipino teams now use a lot more combination plays. It’s like they are playing with a Japanese style which made it difficult for us,” ani Tanabe.
Nakukuha na ng mga Pilipino ang estilo ng mga Japanese dahil karamihan sa mga professional teams at mga collegiate teams ay mas pinipiling magsanay sa Japan.