^

PSN Palaro

Altas sososyo sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Altas sososyo sa liderato
Kinalabaw ni Perpetual center Ralph Cauguiran ang depensa ng tatlong players ng Jose Rizal sa opening match ng Altas noong Martes sa NCAA Season 100.

MANILA, Philippines — Isang karangalan para kina rookie guard Mark Gojo Cruz at big man JP Boral ang maglaro sa i­lalim ni PBA legend Olsen Racela.

Sa 82-66 paggupo ng University of Perpetual Help System DALTA sa Jose Rizal University ay tumipa si Gojo Cruz ng 15 points, 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 block, habang humakot si Boral ng 17 markers at 10 boards.

“Nakakatulong talaga si coach O (Racela) kasi ‘yung experience niya tapos guard pa kami pareho. So kapag may maitutulong talaga siya, sinasabi niya talaga sa akin lahat,” ani Gojo Cruz, ang NCAA Season 99 juniors basketball Rookie of the Year.

Katuwang din ni Olsen sa bench si Barangay Ginebra assistant coach Richard Del Rosario na gumagabay kay Boral.

Hangad ng Altas na sumosyo sa liderato sa pagsagupa sa Arellano Chiefs ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang upakan ng Letran Knights at Heavy Bombers sa alas-11 ng umaga sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumpara sa Altas, nagmula ang Chiefs sa 80-87 overtime loss sa Emilio Aguinaldo College Generals.

Sa ikalawang laro, mag-uunahan sa pagtatala ng panalo ang Letran at Jose Rizal matapos mabigo sa una nilang laro.

Galing ang Knights sa 84-91 pagkatalo sa San Sebastian Stags, habang yukod ang Heavy Bombers sa Altas, 66-82.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with