^

PSN Palaro

Jaja malabo sa Japan national team

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jaja malabo sa Japan national team
Inihayag ni Jaja Santiago sa social media na isa na siyang Japanese citizen.
Jaja Santiago/Instagram

MANILA, Philippines — Nanganganib na hindi matuloy ang paglalaro ni middle blocker Jaja Santiago para sa Japan national volleyball team.

Ito ang isiniwalat ni Phi­lippine Natonal Volleyball Federation president at Asian Volleyball Confederation chief Tats Suzara kung saan tinukoy nito ang ilang pagbabago sa FIVB rules.

Isa sa dahilan nito ang paglalaro ni Jaja sa Philippine national volleyball team sa loob ng walong taon.

Ayon sa FIVB rule, hindi na maaari pang maglaro para sa ibang national team ang isang player na naka­paglaro na sa national team ng kanyang orihinal na bansa.

Matatandaang nakuha na ni Santiago ang Japanese citizenship nito noong Agosto kung saan may Japanese name pa itong Sachi Minowa.

“Jaja is now a Japanese citizen. She is married. But there was a new rule last year by FIVB that if you played in the national team of another country, you can’t transfer federations anymore,” ani Suzara.

Suportado ni Suzara ang desisyon ni Santiago na lumipat ng federation.

“Kung hindi naglaro si Jaja sa (Philippine) national team, she can change fede­rations. Madali yun. But since she played, by the record ng FIVB, she cannot change federations anymore,” ani Suzara.

Nilinaw ni Suzara na maaari pang maglaro si Santiago sa Philippine national team kung nanaisin nitong bumalik dahil ito ang origin country nito.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with