Bossing ‘di mapigilan

Nakalusot si Blackwater import George King kay Michael Miranda ng NLEX.
PBA

MANILA, Philippines —  Mula sa 0-3 panimula ay tatlong sunod na panalo ang inilista ng Blackwater simula nang dumating si import George King.

Kumamada si King ng 39 points para igiya ang Bossing sa 110-99 paggupo sa NLEX Road Warriors sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Binawian ng Blackwater ang NLEX na tumalo sa kanila sa first round, 87-104 noong Agosto 22 para magtabla sa 3-3 record sa Group B.

Si dating import Ricky Ledo ang naglaro noon para sa tropa ni coach Jeffrey Cariaso.

“It’s obvious on the court the impact that George King has given us the last three games,” ani Cariaso kay King. “He’s really a fighter, he’s a guy that doesn’t get rattle and he’s a true professional. So we’re lucky to have him.”

Kumolekta si Troy Rosario ng 15 markers st 14 rebounds para sa Bossing .

Pinamunuan ni import Myke Henry ang Road Warriors sa kanyang 26 points kasunod ang 21 markers ni Robert Bolick.

Samantala, itatampok ng Magnolia (3-2) si dating San Miguel import Shabazz Muhammad sa pagsagupa sa Meralco (4-1) ngayong alas-6 ng gabi sa Panabo Multi-Purpose Tourism, Sports and Cultural Center sa Davao del Norte.

Papalitan ni Muhammad, naglaro para sa Beermen noong 2022, si Glenn Robinson III para palakasin ang tsansa ng Hotshots sa isang quarterfinal berth.

Show comments