^

PSN Palaro

Ateneo, UP agawan sa panalo sa UAAP opener

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Ateneo, UP agawan sa panalo sa UAAP opener
UAAP.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Sisikapin ng Ateneo na lumipad agad ng mataas kontra University of the Philippines upang makuha ang unang panalo sa pagbubukas ng 87th season ng UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Magsisimula ang ope­ning ceremony sa alas-11 ng umaga at ang aksyon sa pagitan ng magkaribal na eskuwelahan sa Katipunan, Blue Eagles at Fighting Maroons ay sa alas-6:30 ng gabi.

Para sa UP, maliban sa pagsilo agad ng unang panalo ay nasa kukote din ng paaralan na maging makulay ang opening ce­remony ng UAAP Season 87 na iho-host nila.

Ihahanda ng season host UP ang kanilang mga estudyanteng magbibigay ng saya sa mga manoood ng live kasama ang pagtugtog ng sikat na bandang Eraserheads.

“Our opening ceremony is a celebration of the spirit of unity amid rivalry that defines the UAAP. This year, we aim to celebrate not only the competitive edge of our universities but also the camaraderie and a shared passion that brings us together.” ani UAAP Season 87 President at UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo L. Vistan II, LLM.

Kakaiba ang pagdaos ng Season 87 ngayon dahil unang beses mangyayari na tatlong basketball events ang magaganap sa isang semester.

Masisilayan ang bakba­kan sa collegiate men’s, collegiate women’s, at junior high school boys’ basketball.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with