Cobb pumalag sa Akari bashers

DLSU's Michelle Cobb.
ABS-CBN Sports

MANILA, Philippines —  Pinalagan ni playmaker Michelle Cobb ang mga toxic fans na may mga masasamang salitang binibitawan sa iba’t ibang social media platforms.

Inis na si Cobb sa mga nababasa nitong mensahe matapos ang kontrobersyal na panalo ng kanilang tropa laban sa PLDT High Speed Hitters sa katatapos na PVL Reinforced Conference.

“Bakit po kailangan umabot sa punto na gusto ninyo pong ma-injure ang mga players? Sumosobra na po kayo. Tama na po. Hindi po kami gumagawa ng rules ng volleyball. Manlalaro lang po kaming lahat,” ayon sa post ni Cobb.

Nanawagan ito na itigil na ang pamba-bash partikular na sa mga players ng Chargers.

Naglabas din ng hiwalay na statement ang Akari management kung saan nakikipag-ugnayan na ito sa mga otoridad upang matigil na ang pagbabanta sa mga players at coaches ng team.

“We are coordinating with the proper authorities and taking immediate action to ensure their protection,” ayon sa statement ng Akari.

Naipanalo ng Akari ang laban nito kontra sa PLDT sa semifinals para makaharap ang Creamline sa one-game finale. Subalit natalo ang Chargers sa Cool Smashers sa finals dahilan para magkasya lamang ito sa pilak.

Show comments