^

PSN Palaro

Gilas Boys sadsad sa New Zealand

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangan ng Gilas Pilipinas na dumaan ngayon sa butas ng karayom matapos ang 75-58 kabiguan kontra sa New Zealand upang malaglag sa qualification ng 2024 FIBA U18 Asia Cup kamakalawa ng gabi sa As Salt Arena Complex sa Amman, Jordan.

Hindi umubra kahit ang 30 puntos na pagputok ni John Earl Medina para sa Nationals na nagkasya lang sa 1-2 kartada para sa ikatlong puwesto sa Group D.

Maging ang 14 puntos na ambag ni Mark A­irick Esperanza ay hindi sumapat para sa mga bataan ni coach Josh Reyes na kailangang dumaan pa sa qualification sa quarterfinals.

Wagi ang No. 25 na Gilas sa No. 73 na Indonesia, 75-48, subalit kinapos kontra sa host at No. 51 na Jordan bago yumukod uli sa No. 27 na New Zealand.

Makakaharap ng Gilas ngayon ang Japan, No. 2 seed sa Group C, sa knockout qualifiers para sa pag-asang makasampa pa rin sa quarterfinals sa ilalim din ng knockout format.

Tanging ang Top 4 teams lang ng FIBA Asia ang makakasikwat ng tiket sa 2024 FIBA U19 World Cup sa Switzerland na siyang asam ng Gilas U18 matapos itong magawa ng U16 team upang makapasok sa katatapos lang na FIBA U17 World Cup sa Turkey.

Bumandera sa New Zealand, na sumandal sa 23-9 ratsada tungo sa tagumpay, si Carter Hopo na may 23 puntos.

Makakasama ng New Zealand, na tinalo din ang Jordan, 71-62, at Indonesia, 89-43, sa knockout quarterfinals ang kapwa unbeaten teams na Australia, South Korea at China.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with