^

PSN Palaro

Otom bigong makapasok sa podium sa Paris

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasya lamang sa ikaanim na puwesto si Angel Otom sa swimming competition ng 17th Paris Paralympics na ginaganap sa Paris La Defense Arena.

Nakipagsabayan muna si Otom sa mga unang bahagi ng laban subalit kinapos ito upang mabigong makapasok sa podium sa women’s 50m backstroke S5 event.

Nagrehistro si Otom ng 44 segundo sa event na dinomina ng tatlong Chinese swimmers.

Aminado si Otom na kinabahan ito dahil sa presensya ng mga world-class para-athletes.

Subalit masaya ito sa kanyang naging performance lalo pa’t ito ang kanyang kauna-unahang partisipasyon sa Paralympic Games.

“Kinakabahan din po, pero overall masaya din. Maganda yung ex­perience. Sobrang proud na nakapunta ako dito,” ani Otom na nakasungkit ng apat na gintong medalya sa 2023 Cambodia Asean Para Games.

Nanguna si Lu Dong na nagsumite ng 37.51 segundo para angkinin ang gintong medalya.

Nasungkit naman ni He Shenggao ang pilak na medalya matapos magla­gak ng 39.93 segundo ha­bang kinumpleto ni Liu Yu ang 1-2-3 finish ng China nang kubrahin nito ang tanso bitbit ang 42.37 segundo.

PARIS PARALYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with