^

PSN Palaro

Madayag lalaro sa Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Madayag lalaro sa Japan
Choco Mucho's Maddie Madayag.
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines — Masisilayan na sa aksyon si middle blocker  at Choco Mucho Flying Titans team captain Maddie Madayag bilang import sa Japan V.League.

Ito ay matapos kunin ng Japanese professional volleyball club Kurobe Aqua Fairies ang serbisyo ng dating Ateneo de Manila University standout.

Pormal nang inihayag ng Aqua Fairies ang pagkuha kay Madayag sa kanilang mga social media accounts.

Isa lamang si Madayag sa tatlong imports ng Aqua Fairies para sa 2024-25 Japan V. League 1 season.

Kasama ni Madayag sina Lena Stigrot ng Germany at Iris Scholten ng Netherlands.

Masaya naman ang pamunuan ng Flying Titans sa bagong karanasang ito para kay Madayag.

“Join us in sending our captain, Maddie Madayag, all the best as she takes on Japan with the Kurobe Aqua Fairies!” ayon sa post ng Flying Titans sa social media.

Suportado ng Choco Mucho ang Japan stint ni Madayag na malaki ang maitutulong sa kanya upang mas lalo pa itong mahubog.

“We’re incredibly proud of you, Maddie, for seizing this amazing opportunity in your career. Your Choco Mucho Flying Titans fam is with you every step of the way,” ayon pa sa post ng Choco Mucho.

Dati nang naging import ng Aqua Fairies si wing spiker Dindin Santiago-Manabat noong 2019-20 season.

Sa kasalukuyan, tatlo na ang Pinoy imports sa Japan V.League.

Magbabalik si Creamline playmaker Jia De Guzman bilang import ng Denso Airybees habang nasa JT Marvelous naman si Jaja Santiago na tatawagin nang Sachi Minowa matapos itong maging naturalized na sa Japan.

MADDIE MADAYAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with